Dalawang Pinoy seaman na naman ang dinukot ng mga pirata sa West Africa. Dahil dito, umabot na sa 11 Pinoy ang biktima ng kidnapping sa naturang lugar.

Ayon sa Department of Foreign Affairs,  nangyari ang pinakabagong insidente ng kidnapping sa Togo.

Noong nakaraang linggo lang, siyam na Pinoy seaman din ang dinukot sa Benin sa West Africa rin.

Tinututukan daw ng pamahalaan ang panibagong kaso ng kidnapping at
nakikipag-ugnayan ang DFA sa mga awtoridad ng West Africa para masiguro ang kaligtasan ng mga bihag na Pilipino.--FRJ, GMA News