Dalawang buwan pa lang ang OFW na si Beverly sa Iraq na nagtatrabaho doon bilang kasambahay nang mangyari ang airstrikes ng Amerika na ikinamatay ng isang mataas na opisyal ng Iran. Pero kahit may tensiyon at pangamba doon, ayaw pa rin niyang bumalik sa Pilipinas.

Nang makausap ni Beverly via video chat ang kaniyang mister sa Pilipinas, sinabi ng OFW na kailangan niyang manatili sa Iraq dahil wala naman siyang pagkakakitaan kung uuwi. Bukod sa mga utang pa siyang kailangang bayaran, pangarap din niyang matapos ang ipinapatayo nilang bahay.

Tunghayan ang kaniyang kuwento sa video na ito ng Reporter's Notebook.


Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News