Matalik na magkaibigan sina Karen at Vina, na nagsumpaan na walang iwanan hanggang kamatayan. Sa pakikipagsapalaran ng dalawa sa Singapore bilang mga domestic helper, hindi nila inasahan na masisira ang kanilang samahan nang dahil sa isang lalaki.

Ang masaklap pa nito, mauuwi sa malagim na krimen ang pag-aagawan nila sa lalaki na naging laman din ng balita sa Singapore. Tunghayan ang kuwentong ito sa episode ng "Tadhana."


--FRJ, GMA News