Naantig ang puso ng isang Pinay domestic helper matapos siyang ibida sa isang essay ng kaniyang alaga sa Hong Kong, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.

Sa tanong na "sino ang pinakamalaking impluwensiya mo sa buhay?" para sa isang entrance exam, isa lang ang pumasok sa isip ng 14-taong gulang na si Andrei, at 'yan ang kaniyang Auntie Grace Doma.

Nang ibinalita ito ni Andrei, labis na naantig at nagpasalamat si Grace.

Kuwento ni Grace, hindi niya inakalang kahit papaano'y nakakapagbigay inspirasyon pala siya sa kaniyang alaga, bagay na ipinagpapasalamat din ng mga magulang ni Andrei.

"I decided that Auntie Grace was the one that I admired a lot because when I was a small as a child she took care of me and taught me a lot in English and how to act in public," sabi ni Andrei. —KBK, GMA News