Pinaalalahanan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga bibiyahe sa Hong Kong na may ipinatutupad na bagong travel restriction sa naturang teritoryo ng China.

"Starting from midnight of 24 March 2020 (0000H 24 March), non-residents will not be allowed into Hong Kong, transit passengers included, for a two-week period," nakasaad sa anunsiyo ng DFA nitong Martes.

 

 

"All travelers are advised to check if their inbound or outbound flights from Philippine airports will be affected by this new restriction, and adjust travel plans accordingly," dagdag nito.

Pinaalalahanan din ng DFA ang mga Pilipino na bibiyahe na alamin ang travel advisory sa mga bansang pupuntahan.--FRJ, GMA News