Umabot na sa 203 ang mga Pilipino na nasa ibang mga bansa ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa kanilang pahayag nitong Huwebes, tatlo naman ang nasawi matapos na madagdagan ng isa ang pasyenteng Pinoy na pumanaw sa Europe.

Ayon pa sa listahan ng DFA, 107 naman ang mga gumaling na at 93 ang patuloy na ginagamot.

 



--FRJ, GMA News