Inihayag ng Malacañang nitong Biyernes na nais lamang ng pamahalaan na protektahan ang mga newly-hired healthcare worker laban sa COVID-19 pandemic kaya ipinatupad ang overseas deployment ban.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, ikinonsidera ng pamahalaan ang sitwasyon ng mga bansang apektado ng pandemic, kabilang ang United States na may pinakamaraming kaso ngayon ng COVID-19 sa mundo.

"The primary consideration is the health and safety of our frontliners going to the most dangerous places as far as COVID-19 is concerned,” pahayag ni Roque sa panayam ng ANC television.

“No amount of waiver will compensate for the fact that the government will be remiss in its obligation to protect the health of its citizens if it were to allow health workers to go to the most dangerous places for COVID-19,” paliwanag pa niya.

Batay sa inilabas na patakaran ng coronavirus task force nitong nakaraang buwan, ang mga healthcare worker na nakapirma na ng kontrata hanggang Marso 8 lamang ang papayagang lumabas ng bansa.

“Those who already had their papers processed could leave, but new processing will not be allowed. I don’t think anyone with an existing contract is covered by the ban,” sabi ni Roque.

Hindi naman binanggit ng opisyal kung hanggang kailan mananatili ang deployment ban.— FRJ, GMA News