Nakarating na rin sa Timor-Leste ang pag-asa at diwa ng bayanihan sa pamamagitan ng community pantry na umusbong sa Pilipinas.

Sa ulat ng GTV "Balitanghali" nitong Biyernes, sinabing mismong ang mga Pilipino at Timorist ang nagtutulungan para maitaguyod ang community pantry na layuning tulungan ang mga apektado ng bagyo at ng pandemic.

Ayon sa vice consul ng Pilipinas sa Dili na si Laser Sumagaysay, agad tumugon ang mga taga-roon para tulungan ang mga nangangailangan nang ibinahagi niya ang konsepto ng community pantry.

Bukas ang community pantry sa lahat, maging Pilipino o Timorist man.--Jamil Santos/FRJ, GMA News