Hinatulan ng 110 taon na pagkakakulong ang isang Pinay matapos masangkot sa pagpatay sa isang propesor sa Florida sa Amerika.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, sinabing napatunayan ng korte na dawit si Katherine Magbanua sa pamamaril sa university professor na si Dan Markel noong 2014.

Nagsilbi umanong middle man si Magbanua nina Charles Adelson, na nag-utos ng pamamaril, at ang gunman na si Sigfredo Garcia.

Isinaad sa ulat ng New York post na posibleng nag-ugat ito sa magulong diborsyo ni Markel at kapatid ni Adelson.

Sinintensiyahan na ng habambuhay na pagkakakulong ang gunman noong 2019 samantalang nililitis pa si Adelson.

Sinabi ni Magbanua na iaapela nila ang hatol ng korte. —Jamil Santos/LBG, GMA News