Napapa-wow! sa sarap pati ang mga dayuhan sa Oslo, Norway kapag natikman ang mga pagkain Pinoy with a twist sa isang restaurant na pagmamay-ari ng magkapatid na Pinoy.

Sa programang "Dapat Alam Mo," sinabing mahilig din sa pagkain ang mga Norwegian. Bukod nga raw sa almusal, tanghalian, at hapunan, kadalasan ay may midnight snack pa sila o kung tawagin sa kanila ay kveldsmat.

Kaya nang magpunta sa Oslo ang pamilya ng magkapatid na Dominic at Daniel Vergara, pagkain ang naisip nilang pasukin negosyo.

Dito nila itinayo ang kanilang Kain Restaurant, na kabilang sa mga inihahain sa mga kostumer ay mga sikat na Pinoy food gaya ng adobo, kare-kare, sisig, ginataan, tapsilog, turon at iba.

Siyempre, ang best seller sa kanila ang adobo, na with a twist ng modern Norwegian style sa pagluluto.

Papaano nga ba ang modernong pagluluto ng mga Pinoy classic food? At ano sikreto ng kanilang tagumpay? Panoorin ang buong kuwento sa video ng "Dapat Alam Mo."-- FRJ, GMA News