Tinaasan na ng Hong Kong ang sahod ng mga foreign domestic worker, kabilang na ang mga Filipino doon, ayo kay Department of Migrant Workers (DMW)  Secretary Susan Ople.

Iniulat sa Unang Balita nitong Biyernes na ayon kay Ople, HK$ 100 o katumbas ng P750 ang dagdag sa minimum allowable wage nila.

Dagdag pa ni Ople, iptutupad ang umento ngayong October, at sinabi niyang maging HK$ 4,730 (P35,475)  na ang minimum na buwanang sahod ng Pinoy domestic workers.

Aabot sa ngayon sa 180, 000 ang bilang ng mga OFW sa Hong Kong. —LBG, GMA News