Arestado ang isang lalaki sa San Miguel, Surigao del Sur matapos siyang akusahan ng panghalalay sa apat na anak na babae ng kaniyang kinakasama. Ang pinakabata sa mga biktima, siyam na taong gulang lang.

Sa ulat ni Bam Alegre sa GMA News TV "Balita Pilipinas" nitong Biyernes, sinabing sunod-sunod umanong ginahasa ng suspek ang apat na magkakapatid na ang edad ay mula siyam hanggang 17.

Hindi raw kaagad nakapagsumbong ang mga biktima sa ginawa sa kanila ng amain dahil pananakot nitong papatayin sila.

Naaresto na ang suspek at nakuhaan din ng ilang pakete ng marijuana.

Hindi na nagbigay ng pahayag ang suspek.--FRJ, GMA News