Patay sa pamamaril sa bayan ng Santa Fe, Romblon ang isang konsehal ng barangay at kanyang misis.

Sa ulat ni Benjie Liwanag sa Super Radyo dzBB, Huwebes ng umaga nang pagbabarilin sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Magsaysay ang lokal na opisyal na si Danilo Junggay, 69 anyos, at kanyang misis na si Cristy, 56 anyos.

 

 

Naaresto ng pulisya ang suspek na si Lester Junggay, pamangkin ng mga biktima.

Away sa lupa ang nakikitang motibo sa pagpatay.

Hindi naman umano nakuha ang baril na ginamit ng suspek sa krimen. Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad. — Dona Magsino/BM, GMA News