Dalawang drug suspects ang napatay sa magkahiwalay na operasyon sa bayan ng Cabuyao sa lalawigan ng Laguna.

Sa ulat ng "Unang Balita," nanlaban sa umano mga operatiba ang dalawang suspek habang isinasagawa ang buy-bust operations ng Laguna police.

Kapwa suspek ay nakunan ng baril at sachets ng hinihinalang shabu.

Nagpapatuloy ang operasyon ng mga awtoridad laban sa iligal na droga sa lalawigan. —LBG, GMA News