Sugatan ang 18 na tao nang sumalpok ang kanilang sinasakyang jeepney sa concrete barrier sa lalawigan ng Isabela.

Sa ulat ng "Balitanghali" nitong Linggo, sinabing  naputol  ang drag link sa harapang bahagi ng sasakyan kaya nawalan ng kontrol ang drayber at sumalpok ang jeep sa concrete barrier.

Nangyari ang insidente sa bayan ng Naguilian, ayon sa mga awtoridad.

Dahil sa impact, naalog ang sakay ng jeep at nasugatan ang 18 sa kanila. Isa ang malubha at agad na dinala sa ospital.

Mahaharap ang driver sa reklamong reckless imprudence resulting in physical injuries and damage to property. —LBG, GMA News