Patay ang dalawang pasahero at 15 iba pa ang sugatan sa isang overloaded na jeepney na nahulog sa bangin sa Cagayan de Oro City.

Sa ulat ng "Unang Balita" nitong Miyerkoles, sinabing  sa bubong nakasakay ang dalawang pasahero dahil overloaded ang jeep.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, hindi kumagat ang preno at nawalan ng kontrol ang drayber ng jeep at nahulog ang sasakyan sa bangin. 

May insurance ang jeep na maaaring magagamit ng mga biktima. —LBG, GMA News