Hindi na umabot na buhay sa opsital ang isang rider nang makabangaan ang isang barangay patrol jeep sa Rosario, Batangas.

Sa ulat ng “Unang Balita” nitong Miyerkoles, kinilala ang biktima na si Hope Sotelo. Ayon sa ulat, sugatan ang dalawa niyang angkas ng dahil sa insidente. 

Tumakas ng driver ng patrol jeep na si barangay kagawad Edilmar Dimatulac, pero nakikipag-ugnayan na raw ito sa mga pulis.

Sa inisyal na imbestigasyon, inantok si Sotelo kaya napunta ang pinapatakbo niyang motorsiklo sa kasalubong na linya at bumangga sa barangay patrol service. —LBG, GMA News