Arestado ang limang-buwang buntis sa Dasmariñas, Cavite dahil sa iligal na droga.

Sa ulat ng "Unang Balita," kinilala ang suspek na si Jennifer Martinez.

"Puwede ko po bang mayakap 'yung mga apo ko't anak saglit? Kahit po mayakap ko lang 'yung anak ko nandiyan sa kapitbahay," pakiusap ni Martinez sa mga awtoridad.

Tatlong pakete ng hinihinalang shabu ang nakuha mula sa kanya.

Aminado ang suspek na dati siyang nagtutulak ng droga. Tumigil na raw siya dalawang buwan na ang nakararaan nang makilala niya ang kinakasama niyang si Dennis Azarcon.

Na naaresto rin noong nakaraang huwebes lang dahil din sa pagtutulak umano ng droga. —LBG, GMA News