Sa isang iglap, hindi lang hitsura ng 18-anyos na si Ryan ang nagbago, kung hindi maging ang kaniyang buhay. Nang dahil umano sa selos ng isa niyang kamag-anak, sinabuyan siya ng asido na naging dahilan ng pagkasira ng kaniyang mukha.

Oktubre 2018 nang makasalubong nila ng kaniyang kaibigan sa isang tulay sa Naguilia, La Union ang inakala nila noong una na isang babae. Walang sabi-sabi, binuhusan sila ng dala nitong likodo na tumama halos lahat kay Ryan.

Malaking bahagi ng mukha, dibdib at likod ni Ryan ang nalapnos. Natapyas ang kaniyang ilong, nawala ang kaniyang kanang tenga, hindi maipikit ang mga mata, at nabulag na ang kaliwa niyang mata.

Upang matagpan ang mga tinamo niyang pagkakasunog at maayos ang kanilang hitsura, kailangan niyang sumailalim sa mga operasyon kaya humihingi siya ng tulong para matustusan ito.

Samantala, ang inakala nilang babae na may kagagawan ng krimen, natuklasan kinalaunan na isa  palang lalaki at kamag-anak pa nila. Kung bakit ito nagawa ng suspek kay Ryan, tunghayan ang kuwento sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."


Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News