Tatlo ang nasawi nang tambangan nitong Martes ng gabi ang sasakyan ni San Fernando, Cebu Mayor Lakambini Reluya sa Barangay Lawaan sa Talisay City, Cebu. 

Ayon kay Gabriel Bonjoc ng "Super Radyo dzBB," kasama ng alkalde sa sasakyan ang kaniyang mister na si Ricardo Reluya, na presidente ng Association of Barangay Councils sa kanilang lugar.

 

 

Galing umano sa San Fernando ang mga biktima sakay ng van nang pagbabaril ng mga salarin ang kanilang sasakyan.

Tatlong bodyguard umano ng alkalde ang nasawi.

Isinugod naman sa ospital sina Reluya at ang kaniyang asawa, na nasugatan sa pananambang.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang mga salarin na nakatakas matapos ang pananambang. —FRJ, GMA News