Dead on the spot ang isang 15-anyos na lalaki, habang apat na iba pa ang sugatan sa salpukan ng motorsiklo at tricycle sa Barangay Bamban, Tagkawayan, Quezon.

Nangyari ang aksidente pasado alas-siete noong Sabado ng gabi. Minamaneho ng nasawing biktima ang isang motorsiklo angkas ang dalawang kaibigan.

Photo courtesy by Omie Limbo

Photo courtesy by Omie Limbo

 

Head injury ang tinamo ng nasawing bikitma, habang matinding pinsala rin sa katawan ang tinamo ng dalawang angkas, na isinugod sa Tagkawayan District Hospital.

Sugatan din ang driver ang tricycle at ang isang pasahero nito.

Ayon sa ilang saksi, mabilis ang takbo ng motorsiklo nang mangyari ang insidente. 

Wasak na wasak ang tricycle tanda ng malakas na pagsalpok ng motorsiklo dito.

Madalas raw ang aksidente sa lugar kung kaya't pinagiingat ng mga opisyal ng barangay ang mga nagdaraan dito lalo na kung naka-motorsiklo.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Tagkawayan Police sa insidente. —LBG, GMA News