Isang babaeng lotto outlet teller ang sugatan matapos tagain ng lalaking customer sa loob ng isang mall sa Rosales, Pangasinan.



Sa ulat ng GMA News "Saksi" nitong Lunes, sinabing nag-ugat ang pananaga nang tumangging ang biktima na ibigay ang kanyang cellphone number na hinihingi ng suspek.

Naaresto naman ang suspek at nahaharap sa kaukulang reklamo.

Iniimbestigahan na rin kung papaano naipasok ng suspek ang itak sa loob ng mall.-- FRJ, GMA News