Nahuli nitong Biyernes Santo ang dalawang lalaking magpinsan matapos umanong naaktuhang nagbebenta ng shabu sa Dumaguete City, ayon sa ulat sa Balitanghali ng GMA News TV nitong Linggo.

Arestado sa buy-bust operation sina Felomino at Aga Baroman.

Nakuha mula sa mga suspek ang P500 na buy-bust money at ilang pakete ng hinihinalang shabu.

Inamin ng mga suspek na kanila ang nakuhang droga na tira pa raw sa batakan nila noong gabi bago sila nahuli.

Itinanggi naman nila na sila ay nagtutulak ng ilegal na droga.

Mahaharap ang magpinsan sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. —KG, GMA News