Hindi naging hadlang ang sakuna sa pag-iibigan ng magkasintahan na itinuloy pa rin ang kasal sa kabila ng lindol nitong Lunes.

Sa ulat ng Balitanghali ng GMA News TV nitong Martes, sinabing naramdaman ang magnitude 6.1 na lindol sa gitna ng seremonya.

Ngunit hindi nag-panic at nanatiling kalmado ang magkasintahan pati na rin ang kanilang mga panauhin. â€”Jamil Santos/KG, GMA News