Isang bangkay ng bagong silang na sanggol ang natagpuan sa isang bakanteng lote sa Tagkawayan, Quezon. Ang mga paa at isang braso ng sanggol, nawawala.


Sa ulat ng GMA News TV "Balita Pilipinas" nitong Huwebes,  sinabing nakita ang nangingitim na bangkay ng sanggol sa isang bakanteng lote sa barangay Landing.

Ayon sa pulisya, isang barangay kagawad ang nagtimbre sa kanila tungkol sa bangkay ng sanggol na nakita sa gilid ng irigasyon.

Hinihinala na kinain ng aso ang nawawalang bahagi ng katawan ng sanggol, na kaagad ding inilibing.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para mahanap kung sino ang nag-iwan sa sanggol.-- FRJ, GMA News