Napatay ng isang ama ang kaniyang sariling anak nang dahil sa pagtatalo sa gitna ng inuman sa Iligan City.

Kinilala sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes ang suspek na si Juanito Casis, 63, at ang biktima na si Rico.

Sa inisyal na imbestigasyon sa insidente, nauwi sa pagtatalo ang inuman ng mag-ama.

Kwento ng suspek nagkasagutan siya at ng kaniyang anak dahil kinakampihan daw ng biktima ang tiyuhin na umano'y magnanakaw.

Dito na raw nagdilim ang paningin ng suspek, at dala ng kalasingan, nabaril niya ang kaniyang anak. Dead on the spot ang biktima.

Mahaharap sa reklamong parricide ang suspek. —LBG, GMA News