Upang mapawi at init ng panahon at lagyan ng twist ang pakulo ng magkakabarkada sa Lucena City, gumawa sila ng mobile pool na isang elf truck at nag-iikot sa isang subdivision.

Sa ulat ng Unang Balita, sinabing naisipan ng magkakabarkada ang gumawa ng moblie swimming pool.

Nilagyan nila ang malaking trapal ang cargo bed ng isang elf truck at saka pinuno ng tubig ito. Tapos naglagay sila ng table sa gitna, nilagyan ng container na may juice sa gitna. Ayos na.

Masayang nagtampisaw sa mobile pool ang magkakabarkada habang umiikot sa subdivision ang elf truck.

Sa kanilang online post nakalagay sa hashtag: Init ka lang #Pinoy kami. —LBG, GMA News