Tatlong daang delegado ng isang religious convention ang naospital sa Bukidnon matapos makaranas ng pananakit ng tiyan, pagsusuka at labis na pagdurumi.

Ayon sa ulat ng GMA Regional TV One Mindanao na inihatid ni Ivan Mayrina sa Unang Balita ng GMA News nitong Martes, naka-confine pa rin sa ospital ang ilan sa mga delegado.

Martes ng gabi ng makaranas ng sintomas ng umano'y food poisoning ang mga delegado ng isang religious convention sa Impasug-ong, Bukidnon.

Monggo at salad sa almusal at menudo sa tanghalian daw ang kinain ng mga delegado noong araw na iyon.

Agad na nagpadala ng rescue vehicle at ambulansiya ang lokal na pamahalaan.

Ayon kay Yvette Felipe, isang delegado, may naglinis ng poso negro at itinapon ang mga nakuhang dami sa hindi niya malamang lugar. Pagkatapos nito ay nagkaroon daw ng maraming langaw sa lugar.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. —KG, GMA News