Dead on the spot ang isang magsasaka sa Barangay Binutas, Calauag, Quezon matapos itong suwagin ng kanyang alagang kalabaw nitong Martes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Ruperto Panaligan.

Napuruhan ang diddib ng biktima at lumabas pa ang puso nito sa tindi ng pagkaka suwag ng kalabaw.

Ayon sa Calauag Municipal Police Station, dadalhin raw sana ng biktima ang kalabaw sa damuhan upang makakain ng damo nang bigla na lang raw ito magwala ng makakita ng isang babaeng kalabaw.

Dito na raw sinuwag si Mang Ruperto.

Hindi na nagbigay ng pahayag ang mga kaanak ng biktima.

Plano na raw ipamigay ang kalabaw sa sinumang nais na umampon dito. —KG, GMA News