Hindi bababa sa 16 ang sugatan nang magsalpukan ang dalawang pampaseherong bus sa Sabangan, Mt. Province nitong Biyernes ng hapon.

Nangyari ang aksidente sa Bisibisan sa Barangay Supang dakong 5 p.m.

Nagkabanggaan ang isang GL Trans but at D’ Rising Sun bus sa aksidente.

 

Labing-anim ang sugatan nang magkabanggaan ang dalawang pampasaherong bus nitong Biyernes ng hapon, May 25, 2019, sa Sabangan, Mt. Province. Photo courtesy: Roel Boaging

 

Ang mga sugatan ay naisugod sa isang pagamutan sa Bauko, Mountain Province. —KG, GMA News