Nilamon ng makinang panggiling ng karne ang kalahati ng katawan ng isang trabahante sa pagawaan ng chorizo sa Iloilo City.

Kinilala ang biktima na si Jomar Jungco, 18-anyos, trabahante sa pagawaan ng chorizo sa Barangay Mansaya-Lapus sa Iloilo City.

Batay sa ulat ni RGMA-Iloilo Sevein Hope Gegantoca sa Super Radyo dzBB, aksidenteng naipasok ni Jomar and kaniyang kanang kamay sa makina at hindi na niya nahila ito, hanggang sa unti-unting nilamon na ng makina ang kalahati ng kaniyang katawan.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente. —LBG, GMA News