Patay ang isang lalaki sa Ilocos Sur nang aksidente umano niyang mabaril ang sarili, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.

Lumalabas sa imbestigasyon ng San Ildefonso Police na nililinis lang ni Jose Empleo ang kaniyang 9 millimeter na baril nang aksidente umanong makalabit ang gatilyo nito.

Nagtamo ng tama ng bala sa dibdib ang biktima.

Nais pa ring magsagawa ng imbestigasyon ang mga pulis nang matiyak na walang foul play sa pagkamatay ni Empleo, bagama't tumanggi na ang pamilya ng biktima na isailalim sa autopsy ang kanyang labi. —Joviland Rita/KBK, GMA News