Patay ang isang 18-anyos na babaeng rider nang sumalpok siya sa kasalubong na truck sa Lemery, Batangas. Ang biktima, umiwas daw sa mga residenteng nambabasa dahil sa kapistahan ni San Juan.




Sa ulat ng GMA News TV "Balitanghali" nitong Martes, kinilala ang biktima na si Vanessa Manguerra, na kaagad na nasawi sa pinangyarihan ng insidente.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na tinatahak ni Manguerra ang Diokno Highway nang iwasan niya ang mga residenteng nambabasa at napunta siya sa kabilang linya ng kalsada.

Tiyempong nakasalubong naman niya ang elf truck na naging dahilan ng kanilang salpukan.

Nasa kostudiya ng mga awtoridad ang driver ng truck na posibleng masampahan ng kaso.--Jamil Santos/FRJ, GMA News