Patay  ang isang lolo nang masagasaan ng van habang tumatawid ng kalsada para mag-igib sa Labrador, Pangasinan, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.

Kinilala ang biktima na si Baltazar Castillo, 74 taon gulang.

Nasagasaan si Castillo ng isang pampasaherong van na nago-overtake.

Napag-alamang nakipag-areglo na ang nakasagasa sa pamilya ni Castillo. —Joviland Rita/KBK, GMA News