Arestado sa buy-bust operation ang isang senior citizen sa  Mololos, Bulacan na kinilalang si Carlos Dalagan.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes ng umaga, sinabing kalahating kilong shabu ang nasamsam mula kay Dalagan na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P2 milyon.

Inaalam na ng mga pulis kung may malaking grupo kinabibilangang si Dalagan.

"He is denying knowing kung sino ang nagbigay sa kanya para ibenta nga kung sakali. Magko-conduct pa po ng additional investigation," pahayag ni Police Lieutenant Colonel Emerey Abating, hepe ng Malolos City Police. —LBG, GMA News