Balot ng karton ang mukha at ibinitin sa isang tulay. Ganyan natagpuan ang isang lalaki sa Talisay, Cebu.

Ayon sa kapitan ng Barangay San Isidro, nakarinig sila ng tatlong putok ng baril, alas tres ng madaling araw kahapon.

Hindi raw nila pinansin hanggang may nagtimbre sa kanila ng insidente, ayon pa sa ulat ni John Consulta sa Balitanghali ngayong Martes.

Nakilala ang biktimang si Reynante Otero na target umano ng buy-bust operation.

Ilegal na droga at pagnanakaw ang tinitignang anggulo ng pulisya.

Dati nang nakulong si Otero, pero giit ng kanyang pamilya, nagbago na siya. —JST, GMA News