Nahulog sa palayan ang isang SUV sa Iriga City sa Camarines Sur.
Kasagsagan noon ng malakas na ulan nang maaksidente ang SUV sakay ang mag-lolo.
Pareho silang nagtamo ng mga galos sa katawan.
Sinaklolohan naman sila ng ilang motorista.
Paliwanag ng driver, hindi niya gaanong nakita ang daan dahil sa ulan. —JST, GMA News