Patay matapos pagbabarilin sa harap ng kanyang bahay ang isang Sangguniang Kabataan chairman sa Daraga, Albay.

Base sa imbestigasyon, bandang alas-tres ng hapon nang nakitang may kausap na apat na lalaki ang biktimang si Jane Nuñez Noneda sa tapat ng kanyang bahay.

Ayon sa ulat sa Unang Balita ngayong Martes, ilang sandali lang ang lumipas nang umalingawngaw ang sunod-sunod na putok.

Apat na tama ng bala ang tinamo ni Moneda.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang motibo sa krimen. —JST, GMA News