Patay sa pamamaril ang dalawang lalaking nag-iinuman lamang umano sa isang kainan sa Cotabato City.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles ng umaga, sinabi umano ng mga nakasaksi na habang nag-iinuman ang dalawa, bigla na lamang dumating ang mga armadong lalaking may takip ang mga mukha at pinagbabaril ang dalawa.

Nagtakbuhan at nagkagulo ang iba pang mga nandoon sa naturang kainan.

Iniimbestigahan na ng mga pulis ang insidente. —LBG, GMA News