Isang 6-anyos na bata sa Narvacan, Ilocos Sur ang namatay matapos matuklaw ng cobra, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.

Ayon sa mga kapitbahay ng biktima, posibleng nabulabog ng bata ang pugad ng ahas kaya siya inatake nito.

Nahanap naman ng mga residente ang salaring cobra at pinatay ito. Napag-alaman din na may mga pinoprotektahang itlog ang nasabing ahas. —KBK, GMA News