Isang aso ang namatay sa Davao City matapos umano itong saksakin ng pulis na natalo sa sugal, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes.

Nadala pa sa veterinary clinic ang nasabing aso ngunit namatay din ito dahil sa saksak sa bandang tiyan.

Sinusubukan pang kunan ng GMA News ng pahayag ang pulis na hindi pinangalanan sa report. —KBK, GMA News