Ginahasa at pinagsasaksak ang isang dalaga sa Naga City, Camarines Sur.

Kuwento ng biktima sa ulat ng Unang Hirit ngayong Biyernes, pinasok siya ng suspek na si Marvic Magdasoc sa kwarto ng tinutuluyan niyang boarding house saka siya pinagsamantalahan.

Matapos nito'y inundayan siya ng saksak.

Naisugod naman sa ospital ang biktima.

Sa follow-up operation naaresto ang suspek.

Hindi siya nagbigay ng pahayag. —JST, GMA News