Walang awang pinatay sa palo ng dalawan lalaki ang isang pusa na naka upo sa tabing-daan sa Villasis, Pangasinan.

Sa ulat ng 24-Oras, ibinahagi ng isang YouScooper ang video ng biglang paglapit ng isang lalaking may dala-dalang pamalo at hinampas ang pusa.

May dumating pang isang lalaki at dinampot ang nakahandusay na pusa at dinala sa gilid.

Sahalip na tulungan, panagpapalo pa nito ang pusa hanggang sa mamatay.

Sa ilalim ng Animal Welfare Act, bawal ang ginawa ng mga lalaki.

Ayon sa YouScooper, naipaalam na nila sa mga awtoridad ang nangyari. —GMA News