Isang maliit na bayawak ang nakita na nakalublob sa inidoro sa isang bahay sa Barangay Cutcot sa bayan ng Pulilan sa Bulacan, dahilan upang pansamantalang hindi nagagamit ang palikuran.
Iniulat ng "24-Oras" nitong araw ng Linggo na nang makita ng nanay ng may-ari ng bahay na si Niño Tan ang bayawak, lumubog ang hayop sa ilalim ng inidoro.
LOOK: Bayawak, nakita sa inidoro sa isang bahay sa Brgy. Cut-Cot Pulilan Bulacan. (???? Niño Tan) @gmanews @dzbb pic.twitter.com/UsWXC9DUa8
— James Agustin (@_jamesJA) August 25, 2019
Hinala ni Tan, galing sa umaapaw na katabing ilong ang bayawak.
Aniya, pansimantala muna nilang hindi ginagamit ang inidoro at nilagyan ng net upang mahuli ang bayawak. —LBG, GMA News