Kalaboso ang isang helper sa isang bayan ng Calaca, Batangas matapos ireklamo ng panghihipo sa isang menor de edad.

Sa ulat sa Super Radyo dzBB ni Julie Ann Mae Cabrera nitong Linggo ng gabi, sinabing nangyari ang insidente sa Barangay Camastilisan at kinilala ang suspek na si Dennis Casal, 48-anyos, at isang helper.

Ayon sa biktima, bigla na lamang umanong pumasok ang suspek sa kaniyang kwarto habing siya ay natutulog at pilit na hinawakan ang kanyang dibdib.

Agad namang nagsumbong ang biktima, kasama ang guardian nito, sa mga awtoridad.

Nahuli ang suspek at ngayon ay nahaharap sa kasong acts of lasciviousness —GMA News