Binulabog ng malaking sawa ang Barangay Wawa II sa bayan ng Rosario sa lalawigan ng Cavite.

Sa ulat ng "24-Oras" nitong Linggo ng gabi, sinabing isang mangingisda ang nakahuli sa sawa na may habang pitong talampakan.

Nagtulungan ang mga residente upang maipasok sa sako ang sawa  na nagpupumiglas.

Ipinagbigay-alam na sa Municipal Environment and Natural Resources Office ang pagkahuli sa sawa. —GMA News