Next level na arts and craft ang ipinamalas ng isang klase sa Nueva Ecija, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Nariyan ang Big Ben ng London, Eiffel Tower ng Paris, at siyempre ang Empire State Building sa New York.

Ang mga kakaibang scale model na 'yan ng NU West Arki 2D Class, binuo mula sa mga pinutol na barbecue stick.

Ayon sa ating YouScooper na si Angel Angulo, ito ang sagot nilang magkakaklase sa hamon ng kanilang guro na bumuo ng mga kilalang landmarks. —KBK, GMA News