Patay ang isang misis sa bayan ng Mobo sa lalawigan ng Masbate sa pananaga ng kaniyang mister.

Sa ulat ni Jener Magbojos sa Unang Balita nitong Miyerkules, kinilala ang suspek na si Fernando Cardiño.

Pahayag ng suspek, nagdilim ang kaniyang paningin nang pagsabihan siya ng kaniyang asawang si Venus na pwede siya nitong iwan at ipagpalit sa iba.

Doon niya na nagawa ang krimen.

Dagdag niya, palagi na raw siyang binubungangaan ng kaniyang misis.

Agad ding nahuli si Fernando. —LBG, GMA News