Natapuang patay at may nakabaon pang palakol sa ulo ang isang katiwala ng isang quarry site sa Surallah, South Cotabato.

Sa ulat ng GMA News TV "Quick Response Team" nitong Miyerkoles, sinabing nakita ang bangkay ng biktimang si Joel Eleuterio sa bunkhouse ng quarry site sa Barangay San Vicente.

Hinala ng pulisya, posibleng tulog ang biktima noong patayin.

Wala raw kasing nakitang palatandaan ang mga imbestigador na nakapanlaban man lang o nagtangkang tumakas pa ang biktima.

Katunayan, naka-lock pa raw ang pinto nang magpunta roon ang mga pulis.

Tinutugis na ng pulisya ang suspek na hindi muna nila tinukoy ang pangalan.--FRJ, GMA News