Dead on the spot ang isang Indian national matapos barilin sa San Jose del Monte, Bulacan, ayon sa eksklusibong ulat ni James Agustin sa Unang Balita nitong Huwebes.

Katatapos lang maningil ng pautang ng biktimang si Ravineter Singh nang barilin sa Brgy. Sto. Cristo habang nakaligtas naman ang kanyang kinakasama na si Charlene Pangilinan.

Napag-alaman din na isa sa tatlong suspek ay tiyuhin ng biktima na si Gurpreet Singh.

Naaresto naman si Gurpreet nang puntahan ng mga pulis ang kanyang bahay.

Ayon sa pulisya, lumalabas sa imbestigasyon na away sa negosyo ang motibo sa pamamaril. Dati na raw may alitan ang magtiyuhin dahil sa pautang.

Itinanggi naman ni Gurpreet na may kinalaman siya sa pamamaril. —KBK, GMA News